Thursday, 17 February 2011

Flowers.


Languages: English and Filipino (Tagalog)


I saw this white rose from my working place today and I decided to take a sniff of this gorgeous flower. Actually, nobody gave me (even) a single flower in my entire life. I had past relationships, but none of the men I fell in love with gave me a flower. I didn't even asked them because I thought that it was a huge common sense for them to give me flowers since they dated me. Nah. wala. Walang nagbigay saken ni-isang kusing. Grabe, noh? Yung nga lang ang hinihiling ko na hindi ko naman kailangang sabihan pa, pero hindi ako binigyan nito. Ano sila, tanga? Tanga nga talaga. Tanga nga sila.


I remembered from my previous job sa fast food restaurant sa Montreal, I saw my young co-worker and he brought a bouquet of roses to give it to his girlfriend - at that time. Break na sila dati pa, pero hindi ko malilimutan yung ginawa niyang iyon para sa dati niyang girlfriend. Wala naman ako gusto dun, natuwa lang naman ako sa ginawa niya. Naisip ko rin na sana may magbigay din yan saken. Kahit hindi ako umiimik nung time na yon, marami akong bagay na iniisip.


Noong araw ng mga puso ngayong taon, marami akong nakikitang mga kabataan na babae na nakatanggap ng mga rosas. "Hanep..." Sabi ko sa isip ko, "Talo ako." Pagkatapos, may nakita akong dalawang babaeng magkaibigan. Yung isa, may dalang isang pulang rosas. Pero, hindi maganda yung pagkahawak niya ng pulang rosas. Kung baga, wala iyong halaga para sa kanya. Baka siguro hindi niya type yung nagbigay sa kanya. Yun po ang observation ko.


Madami na ding nagsasabi saken na darating din ang panahon na may magbibigay saken ng mga bulaklak. I really don't know at this point, but I rather focus on things that matter to me.

No comments:

Post a Comment